Tawi-Tawi nakatanggap na ng unang batch ng bakuna, ayon sa AFP

Naihatid na ng mga sundalo ang unang batch ng bakuna sa Tawi-Tawi.

Ang unang batch ng bakuna ay ang 101 doses ng AstraZeneca at 1, 212 ng Sinovac.

Nai-transport ito sa Tawi-Tawi sa pamamagitan ng Fokker plane ng Philippine Air Force (PAF) kahapon.


Una nang naghatid ang Fokker plane ng 208 doses ng AstraZeneca at 2,360 dose ng Sinovac vaccines sa Sulu.

Ang mga bakunang ito ay para sa nga medical frontliners sa mga nasabing lalawigan.

Siniguro naman ni Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan ang buong supporta ng WesMinCom sa immunization program ng gobyerno.

Facebook Comments