Target maipasa ng Kamara ang mga panukalang may kinalaman sa tax at economic programs ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang taon.
Ayon kay Romualdez – tinatrabaho na ng mababang kapulungan ang pagpasa sa mga panukalang batas na layong paangatin ang ekonomiya ng bansa.
Kabilang sa mga isusulong na panukala ay alcohol taxes, property valuation at capital income tax.
Dagdag pa ng mambabatas – top priority ni Pangulong Duterte sa kanyang huling tatlong taon ang pagresolba sa kahirapan.
Kahit itinuturing na ‘lifeblood’ ang buwis, dapat pa ring konsultahin ang publiko hinggil dito.
Facebook Comments