Manila, Philippines – Tiniyak ni House Majority Leader Martin Romualdez na magiging katanggap-tanggap para sa publiko ang mga ipapasang tax at economic reform bills sa Kamara.
Ang mga panukalang may kinalaman sa tax at economic reforms ay layong ituloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya.
Paliwanag ni Romualdez, bahagi ng mandato nila sa Kongreso ay konsultahin ang publiko sa mga ipapasang tax measures.
Kaya naman nasisiguro ng liderato ng Mababang Kapulungan na sasang-ayunan ito ng mamamayan.
Kabilang sa mga panukalang isinusulong ay ang tatlong packages ng Comprehensive Tax Reform na naglalayong ibaba ang corporate income tax at rationalization ng incentives, reporma sa real property valuation system at ang pagbubuwis sa nakalalasing na inumin na makatutulong naman na pondohan ang Universal Health Care.
Paliwanag pa ni Romualdez, nagsisilbing “lifeblood” ng gobyerno ang buwis dahil kailangan nito ng sapat na pondo para sa maayos na operasyon at mapaglingkuran ang taumbayan.