TAX | Bilang ng nanawagan na huwag madaliin ang TRAIN 2, nadagdagan

Manila, Philippines – Umapela na rin ang Trade Union Congress of the Philippines sa Duterte administration na huwag madaliin ang pagpapatupad ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion o TRAIN 2.

Ayon sa TUCP ,sa ngayon marami na ang mga manggagawa na nagdurusa dahil sa negatibong epekto ng pinatupad na train 1.

Simula Enero ngayong taon,tumaas ang inflation rates ng 4.5 percent na nagpapatuloy hanggang ngayong buwan ng Abril.


Kabilang sa pitong bahagdang nagtaasan ay ilang variety ng bigas gayundin ang produktong langis dahil sa TRAIN law.

Habang ang ibang kumpanya gaya ng Coca Cola ay ginawang dahilan ang train 1 para magtanggal ng 600 manggagawa nito.

Ang train2 ay isunulong na sa mababang kapulungan ng kongreso na may layunin na ibaba 25% mula sa 30% ang corporate income tax, at alisin ang ilang tax subsidies o incentives sa piling industriya.

Facebook Comments