Tax Campaign Kick-Off, Isinagawa ng BIR-Revenue District Office 15!

Naguilian, Isabela – Muling isinagawa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District Office 15 (RDO) Naguilian, Isabela ang 2019 Tax Campaign Kickoff noong ika-walo ng Marso taong kasalukuyan.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Cezar Balangatan, Revenue District Officer ng RDO 15 sinabi nito na binigyan nila ng pagkilala ang tatlong taxpayer na may pinakamataas na binabayaran na buwis sa buong lalawigan ng Isabela.

Aniya, kumbinasyon ng kontratista at negosyante ang nabigyan ng pagkilala na layong maging inspirasyon sa iba sa pagbabayad ng kanilang tamang buwis.


Kaugnay nito, kinilala bilang Rank 1 ang RDO 15 sa regional level sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa publiko sa pangongolekta ng mga buwis.

Pangunahin rin anya na nagbibigay ng pondo sa pamahalaan ang nasabing tanggapan na may pinakamalaking tungkulin sa komunidad.

Nanawagan naman si Balangatan sa mga taxpayer sa lalawigan ng Isabela na magbayad ng mas maaga upang makaiwas sa multa at bayaran ang nararapat para sa gobyerno.

Facebook Comments