Tax Collection, Sagot sa Mataas na Kita – Mayor Atayde

114

Luna, Isabela – Abala ngayon ang pamunuan ng Luna, Isabela sa pagpapatupad ng tax collection sa layuning tumaas ang kita nito ngayong taon.


Ayon kay Municipal Mayor Jaime Atayde, isa ito sa pangunahing tinututukan ngayon ng kanyang bayan upang maabot ang palugit sa pagbabayad ng mga tax payers.

Aniya, maayos at wala naman nagiging problema sa nasabing pangongolekta ng buwis.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team, ipinagmalaki rin ng alkalde na sa kabila ng pagiging pinakamaliit na munisipalidad ng Luna, ay nagawa pa rin ng bayan na makahanap ng alternatibong mapagkukunan ng kita.

Ito ay sa pamamagitan umano ng quarry operations na kanyang binigyang daan, na ngayo’y nakakapagbahagi rin ng tulong sa layunin na maiangat ang kita ng bayan ng Luna.

Facebook Comments