
Pinalawig ng Bureau of Internal Review (BIR) ang lahat ng mga tax deadlines ng mga tax payers na naapektuhan ng pagtama ng lindol sa Cebu City.
Layon ng nasabing extension na mabigyan ng sapat na oras ang mga tax payers at BIR Personnel.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., hanggang Oktubre 31 mangyayari ang nasabing extension.
Tiniyak din ng ahensya na hindi mapapatawan ng penalty, surcharge o interest ang mga taxpayers na maghahain ng kanilang obligasyon sa extension na ibinigay.
Sakop ng nasabing pagpapalawig ang RDO mula Mandaue City, Cebu City North, Cebu City South, Talisay City, at Large Taxpayers Division Cebu.
Facebook Comments









