TAX | DOF, dapat masusing ipaliwanag ang TRAIN 2 – Sen. Pres. Tito Sotto

Manila, Philippines – Naniniwala si Senate President Tito Sotto III na dapat ipaliwanag ng mabuti ng Department of Finance ang ikalawang package ng tax reform program.

Ito ay para makumbinsi ang mga senador na suportahan ang panukala.

Aminado si Sotto na karamihan sa kanyang mga kapwa senador ay may alinlangan sa pagsusulong TRAIN 2 kahit binanggit ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).


Iginiit ni Sotto na hindi muna sila magsasagawa ng public hearings hangga’t hindi nila natatanggap ang aprubadong bersyon ng panukala ng kamara dahil ang tax bills ay dapat nagmumula muna mula sa Mababang Kapulungan base sa 1987 constitution.

Sa ilalim ng TRAIN 2, bababaan ang corporate income tax sa 25% mula sa kasalukuyang 20% at magbibigay ng rational fiscal incentives sa mga malalaking negosyo.

Facebook Comments