TAX EVASION | 2 kumpanya, kinasuhan ng BIR

Manila, Philippines – Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang 2 kumpanya

Partikular na sinampahan ng kasong paglabag sa National Internal Revenue Code ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Ski Construction Group Incorporated na naka-base sa Makati City at ang corporate officers nito na sina Claudio Altura, Albert Altura at Cornelio Caedo.

Hinahabol ng BIR ang Ski Construction dahil sa tax liability na P407.3 million para sa taong 2005 at 2010.


Kasama na rito ang bayarin para sa expanded withholding tax, income tax, Value Added Tax at penalty.

Kinasuhan din ng BIR ang Y.N. General Services Incorporated na naka-base sa Paranaque City, at ang mga opisyal nito na sina Ernesto Navo, Emerlita Navo at Eliza Eleonor Navo.

Ayon sa BIR, aabot sa P15.1 million pesos ang pagkakautang sa buwis ng Y.N. General Services para sa taong 2008.

Facebook Comments