Manila, Philippines – Kinumpirma na mismo ni Rappler CEO Maria Ressa na inilabas na ang arrest warrant laban sa kanya kaugnay sa kasong tax evasion.
Ayon kay Ressa, handa niyang harapin at labanan ang kinahaharap na mga kaso.
Pananagutin din niya ang gobyerno sa pagtawag sa kanyang kriminal na pawang walang katotohanan.
Base sa legal counsel ni Ressa na ACCRA Law Firm, isang warrant ang inilabas ni Judge Danilo Buemio ng Pasig Regional Trail Court Branch 265 laban sa kanilang kliyente.
Nahaharap si Ressa at ang Rappler sa 5 tax evasion cases na inihain ng Department of Justice (DOJ).
Ang apat na kaso ay isinampa sa Court of Tax Appeals habang ang ikalima ay inihain sa Pasig Court.
Sakaling arestuhin anumang oras si Ressa ay agad silang maghahain agad ito ng piyansa.