TAX EVASION | Babaeng negosyante mula CDO, kinasuhan sa DOJ

Sinampahan ng dalawang criminal complaint sa Department of Justice ang isang babaeng negosyante mula Cgayan De Oro City dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Hinahabol ng BIR mula sa isang Mariquel Rotallas ang halos 13.5 millilon pesos na income tax, value added tax at expanded withholding tax at mga multa.

Saklaw nito ang buwis at multa para sa taong 2011 at 2012.


Ayon sa BIR nasa construction, engineering at consultancy business si Rotallas na nakabase sa Misamis Oriental.

Bibigyan naman ng DOJ si Rotallas ng pagkakataon na maghain ng kanyang kontra salaysay.

Facebook Comments