Manila, Philippines – Bubuksan ngayong araw ng Department Of Justice (DOJ) ang preliminary investigation ukol sa 133 million peso tax evasion case na isinampa ni Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa holding company na nagmamay-ari sa online news site na Rappler.
Pinadadalo ng DOJ sina Rappler holdings Corporate President Maria Ressa at treasurer na si James Bitanga.
Ayon kay assistant state prosecutor Zenamar Machacon-Caparros, layunin ang imbestigasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga respondents na magpaliwanag at makapagsumite ng kanilang counter-affidavits hinggil sa kaso.
Gaganapin ang preliminary investigation mamayang 11:00 ng umaga habang magkakaroon ng susunod na pagdinig sa Mayo 11.
Facebook Comments