Manila, Philippines – Ipinagharap ng BIR sa DOJ ng kasong tax evasion ang isang Makati-based shareholder dahil sa hindi pagbabayad ng 283.34 million pesos na buwis
Ayon sa BIR, bigong maghain ang respondent na si Bernard Ballesta Rabanzo ng income tax return noong 2015
Nabatid pa ng BIR na hindi naghain ng kahit anomang tax return si Rabanzo mula 1996 hanggang 2016 maliban sa Annual Income Tax Return noong 2012 kung saan ang idineklara niyang kita ay 78-thousand pesos lang.
Sa kabila ito ng siya ay nagma-may-ari ng iba-ibang fully paid common shares sa Menlo Capital Corporation o MCC.
Lumalabas din sa record ng BIR na may compensation income si Rabanzo na 1.34 million pesos noong 2014 at 1.46 million pesos noong 2015.
Facebook Comments