TAX EVASION | Pag-abswelto ng tax court kay Mikey Arroyo, pinagtibay ng SC

Manila, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ng gobyerno na kumukwestiyon sa pag-abswelto ng Court of Tax Appeals (CTA) laban kay dating Congressman Juan Miguel “Mikey” Arroyo sa kasong tax evasion.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi raw pagbabayad ni Arroyo ng kanyang tax liabilities noong 2004 hanggang 2009 at sa kabiguang magsumite ng income tax returns at magbayad ng income taxes sa taong 2005, 2008 at 2009.

Sa extended minute resolution, hindi nakitaan ng Supreme Court (SC) ng iregularidad ang desisyon ng CTA na ipawalang-sala si Arroyo.


Kumbinsido ang Korte Suprema na naging batayan ng CTA sa pagbasura sa kaso ang kabiguan ng prosekusyon na magharap ng sapat na ebidensya.

Hindi raw kasi naiprisinta ng BIR ang pinagmulan ng kinukuwestiyong kita ni Arroyo.

Premature o maaga rin aniya ang ginawang paghahain ng estado ng petisyon sa Korte Suprema.

Dapat daw kasi ay naghain muna ang gobyerno ng motion for reconsideration sa Court of Tax Appeals (CTA).

Facebook Comments