TAX EVASION | Rappler chief, nagpiyansa sa CTA

Manila, Philippines – Naglagak ng P204,000 piyansa sa Court of Tax Appeals (CTA) si Rappler President Maria Ressa.

Ito ay bago pa magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya para sa apat na kasong tax evasion.

Itinakda ang piyansa sa P60,000 sa bawat bilang ng paglabag sa Section 255 habang P24,000 naman sa paglabag sa Section 254.


Nahaharap sa mga kaso ang Rappler dahil sa paglabag umano sa National Internal Revenue Code (NIRC).

Nakatakda naman ang arraignment sa kaso ni Ressa sa January 23, 2019.

Facebook Comments