TAX EVASION | Tatlong iba pang negosyante, hinahabol ng BIR

Manila, Philippines – Tatlong iba pang mga negosyante ang hinahabol ng BIR dahil sa kabiguang magbayad ng kanilang obligasyon sa gobyerno.

Kabilang sa mga kinasuhan ng tax evasion ng BIR sina Stephen Ignacio Panadero, may-ari ng Brightways Labor Contractor Services na nasa construction business at nakabase sa Taguig City.

Ayon sa BIR, hindi nagbayad ang kumpanyan ni Panadero ng P6.8-Million na buwis para sa taong 2008 at 2012.


Nahaharap din sa kasong paglabag sa tax code ang HSI Philippines Inc., na nakabase sa Makati City.

Umaabot ang tax liability ng HSI sa P4.8-Million para sa taxable year 2007.

Pumapalo naman sa P20.11-million ang hinahabol na buwis ng BIR sa kumpanyang Salritsu International Trading Corp., para sa taong 2006.

Facebook Comments