Isinulong ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan, na itaas sa $6,000 ang tax exemption ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) at mga balikbayan mula sa kasalukuyang $3,500.
Sa inihaing House bill 6472 ni Libanan, magagamit ng OFWs at balikabayan ang tax exemption sa kanilang pamimili sa mga duty free shop na pinapangasiwaan ng Department of Tourism (DOT) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1, 2 and 3.
Kasama rin ang mga duty-free shop sa Fiestamall sa Paranaque City, Mall of Asia Complex sa Pasay City, Mactan-Cebu International Airport, Kalibo International Airport, at Iloilo International Airport.
Ma-a-avail ng mga balikbayan ang kanilang tax-exempt purchases sa loob ng labing-limang araw pagdating ng bansa at 3-days from arrival tuwing Christmas season mula November 15 hanggang January 15.
Ayon kay Libanan, kapag naisabatas ang kaniyang panukala, maraming OFWs at balikbayan ang magsa-shopping sa ating mga duty-free shop na makatutulong para madagdagan ang dolyar sa ating ekonomiya.