Tax exemption sa mga pabuya ng mga Olympic medalist, inihain sa Senado

Isinusulong ngayon sa Senado ang panukalang batas na nagbibigay ng tax exemption sa mga donasyon at premyo ng mga atletang nanalo sa Olympics.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2341, naglalayon itong huwag nang buwisan ang mga cash incentive, bonus reward at iba pang pabuya na matatanggap ng atleta mula sa gobyerno at pribadong sektor.

Una nang inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi papatawan ng buwis ang mga cash reward ng mga atleta sa ilalim ng RA. No. 10699.


Sakaling maipasa ang batas, ipapatupad agad ito sa mga nanalo sa Tokyo Olympics na sina Weightlifter Hidilyn Diaz at Boxer Nesthy Petecio.

Samantala, inihayag ni Petecio na pagdating niya ng bansa ay sisiguraduhin niyang makukuha ang pabuya na aabot sa P17 million para sa kaniyang pamilya.

Facebook Comments