Tax free bonus, sinusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Isinusulong sa kamara na gawing tax free ang bonus na hindi lalagpas sa 100,000 pesos.

Sa house version kasi ng tax reform bill, ang P82,000 tax free bonuses ay itataas sa 100,000 pesos.

Pero sa bersyon naman ng Senate Ways and Means Committee – P82,000 pa rin ang tax ceiling.


Bukod dito, binago rin ng Senado ang tax exemptions sa taunang kita.

Ang gusto kasi ng kamara, i-exempt sa buwis ang mga kumikita ng hanggang P250,000 lang kada taon.

Pero sa senate version, P150,000 na taunang kita lang ang nais i-exempt sa buwis.

Kaya naman, sabi ni Senior House Deputy Minority Leader Rep. Lito Atienza – tiyak na mapupuruhan na naman dito ang mga tax payers na matatamaan ng price increase.

Pero sabi naman ni Senate Ways and Means Committee Chairman Sonny Angara, iniiwasan lang nilang mapuruhan ang malawakang revenue loss o kawalan ng kita ang gobyerno, kaya ipinako pa rin nila sa P82,000 ang tax free bonuses.

Facebook Comments