Muling kinalampag ng Kamara ang Commission on Elections o COMELEC na ibigay ng “tax free” ang honoraria at mga benepisyo ng mga gurong nagsilbi nitong halalan.
Paalala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa COMELEC at sa Department of Education o DepEd na igalang ang “constitutional prerogative” ng Kongreso pagdating sa usapin ng pagbubuwis.
Kaya naman, hinihikayat ng Kamara ang dalawang ahensya na ipamahagi na ang election service honoraria at benefits ng mga guro na walang buwis.
Sinabi ni Deputy Speaker Bernadette Herrera na nasa “final stages” na ng legislative process ang panukala sa tax-free benefits sa mga gurong gaganap sa kanilang election service duty.
Hindi rin minamadali ang tax deadline ngayong taon dahil ang lahat ng income o kita na hihigit sa ₱250,000 ngayong 2022 ay sa April 2023 pa ang tax due at mga bayarin.