Tax Free Living Sa Saudi Arabia – Nanganganib Na Matapos Na

8

SAUDI ARABIA – Nanganganib ng matuldukan ang “tax-free living” sa Saudi Arabia.Ito ay matapos aprubahan ng gabinete ang pagpapataw ng buwis sa lahat ng produkto at serbisyo sa buong kaharian dahil sa patuloy na pagbulusok ng presyo ng mga produktong petrolyo sa nakalipas na tatlong taonNabatid na matagal ng walang tax ang karamihan ng mga produkto at serbisyo sa saudi arabia dahil sa malaking government subsidy.Nakaasa lamang ang saudi sa oil revenue kaya’t tututukan na ng kanilang gobyerno ang iba pang non-oil income.

Facebook Comments