Iginiit ni Committee on Higher Education (CHED) Chairman Senator Joel Villanueva ang kahalagahan na gawing permanente ang Tax freeze sa mga pribadong paaralan sa pamamagitan ng pag-amyenda ng batas.
Pahayag ito ni Villanueva makaraang ipatigil ng Department of Finance (DOF) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapataw ng 25 percent na buwis sa mga private educational institutions.
Pinuri ni Villanueva ang nabanggit na hakbang ng DOF laban sa ginawa ng BIR na nakabatay sa maling interpretasyon nito sa probisyon ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act o CREATE Act ukol sa pagbubuwis sa mga paaralan.
Paliwanag ni Villanueva, layunin ng batas na ibaba sa 1 percent ang 10 percent na buwis sa educational institutions pero itinaas pa ito ng BIR sa 25 percent.
Diin ni Villanueva, kailangan ang ‘academic revenue freeze’ upang matulungan ang mga paaralan sa panahon ng pandemya.