Manila, Philippines – Pinabibigyan ng Kamara ng tax incentives ang mga local films.
Sa budget hearing ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na may P120.5 million na alokasyon sa susunod na taon, hinimok ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na i-evaluate ng mabuti ang mga pelikulang nararapat na mabigyan ng tax incentives.
Ipinaayos ng mambabatas ang sistema ng tax incentives na iginagawad sa mga local films para matiyak na de-kalidad ang mga magagawang pelikula sa bansa.
Kung may maayos na tax incentives ay tiyak na tataas din ang production ng quality local films tulad ng mga pelikulang nagpapakita ng pagkamakabayan, pagpapakita ng kultura at positive values ng mga Pilipino.
Inirekomenda ni Atienza na i-review din ang script ng mga local films para doon pa lang ay matimbang na kung nararapat ba na mabigyan ng tax incentives.
Pero, nilinaw naman ni Appropriations Vice Chairman Eric Olivares na ang trabaho ng FDCP ay i-review at bigyan ng rating ang isang natapos na pelikula.