Manila, Philippines – Pormal nang sinampahan ng kaso ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang isang corporate taxpayer dahil sa kabiguan na magbayad ng tamang buwis.
Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, kasong paglabag sa Section 255 may kaugnayan sa Sections 253 (d) at 256 ng Tax Code ang isinampa laban sa Cathay Industrial & Mill Supply, Inc. at ang presidente nito na si Antonio Tiu.
Ang business establishment ay isang domestic corporation, at matatagpuan sa 1220 Tomas Mapua Street, Sta. Cruz, Manila.
Batay sa records, nabigo umano na makapagbayad ng tamang buwis ang respondent noong 2009 na umabot sa higit 158 milyong piso.
Ito ay sa kabila na paulit-ulit na pagbibigay ng abiso ng BIR Manila para i-settle sana ang kanilang obligasyon.
Ang kaso laban sa Cathay Industrial & Mill Supply, Inc. at Antonio Tiu ay pang 116 na reklamo na isinampa sa ilalim ng Run After Tax Evaders o RATE program ng BIR sa ilalim ng panunungkulan ni BIR Commissioner.