Manila, Philippines – Hiniling ni 1-CARE Partylist Representative Carlos Roman Uybarreta na simplehan ang tax laws sa bansa.
Ito ay kasunod ng mababang porsyento ng nakapasa sa 2018 bar exam na nasa 18.78% lamang kumpara sa 25.55% passing rate noong 2017 bar exam.
Marami sa mga examiners na bumagsak ay nahirapan sa taxation law kung saan ito pa naman ang ‘deciding factor’ para makapasa sa bar exam.
Dahil dito, inirekomenda ng kongresista na i-simplify o gawing madali ang tax laws sa bansa upang mai-angat ang percentage ng mga pumapasa sa bar.
Makikipag-ugnayan ang mambabatas sa mga kasamahan sa House Ways & Means Committee at mga opisyal ng Department of Finance (DOF), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) para simplehan ang tax laws.
Target ng kongresista na kahit ang mga graduate ng high school o college ay kayang gawin ang sariling income tax return na walang tulong mula sa isang accountant o abogado.