Manila, Philippines – Multi-milyong piso ang hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa anim na pribadong kumpanya dahil sa kabiguan ng mga ito na magbayad ng buwis sa gobyerno.
Pinakamalaki ang pagkaka-utang sa pamahalaan ng kumpanyang Mannasoft Technology Corporation na nakabase sa Makati City.
Umaabot sa P199.5-Million ang total tax liability ng Mannasoft dahil sa hindi nito pagbabayad ng buwis noong 2010.
Kinasuhan din ng BIR ang Project S Automotive Center Inc.. dahil sa P3-Million tax liability para sa taong 2011.
Nahaharap din sa pagpabag sa tax code ang Maefer Gasoline Service dahil sa P18-Million tax liability para sa taong 2011.
Lumobo na rin sa P3-Million ang tax liability ng C.M. Recto Auto Supply Para sa taxable year 2011.
Kabilang din sa reklamo ang mga kumpanyang, B.R. Chua Enterprises Inc. na inireklamo ng 72 counts ng willful attempt to evade tax mula January 2012 hanggang August 2017 na Nagkakahalaga ng P16.6-Million.
Inireklamo rin ng BIR ang Merrysun Corporation na nahulihan ng mahigit 32-libong pakete ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P15.8-Million.