Tax literacy, ipinatuturo sa mga paaralan

Isinusulong ni Albay Rep. Edcel Lagman ang “tax education” sa mga paaralan.

Sa House Bill 76 na inihain ng kongresista, binibigyang mandato ang mga paaralan sa elementary, secondary, technical-vocational, at tertiary na ituro ang sa mga estudyante ang tax literacy.

Sa ilalim ng panukalang batas na “Tax Consciousness and Responsibility Act”, pupunan nito ang mga hakbang ng gobyerno para mapaghusay at gawing episyente ang koleksyon ng buwis tungo sa mabilis na pagbangon ng ekonomiya.


Paliwanag ng kongresista, ang pagtuturo sa kamalayan ng mga kabataan patungkol sa responsibilidad at kahalagahan ng buwis ay makakalikha ng isang “future generation” ng mga mamamayan na hindi lamang handang magbayad ng buwis kundi handang mag-demand ng accountability at igiit ang mas abot-kamay na serbisyo mula sa pamahalaan.

Ito ay dahil mas batid nila na nagawa nila ang kanilang tungkulin sa bansa para matiyak ang mas mabilis na tugon, mas responsable at “people-centered” na pamamahala.

Facebook Comments