Tax measures at 2020 budget, prayoridad ni incoming Speaker Alan Peter Cayetano sa 18th Congress

61

Inilatag na ni incoming House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga ipaprayoridad ng Kamara sa pagpasok ng 18th Congress.

Ayon kay incoming Cayetano, unang aatupagin ang pagpapasa sa 2020 national budget at sisikapin na maipasa sa Oktubre ang budget bago ang kanilang unang session break.


Kasama rin sa agenda ng Kamara ang lahat pang natitirang tax measures ng administrasyong Duterte na nagawa namang maipasa noong nakaraang Kongreso pero hindi tuluyang naisabatas.

Gayundin, sinabi ni Cayetano na susubukan nilang magpasa ng tatlong local bills ng bawat kongresista para naman sa pakinabang ng kanilang mga distrito.

Bibigyan aniya ng pagkakataon ang bawat miyembro na maisulong ang kanyang top 5 national at top 5 local bills.

Inirekomenda din ni Cayetano na magkaroon ng monthly meeting sa kanilang counterpart sa Senado at maging sa Ehekutibo para mapabilis ang pag-apruba sa mga legislative agenda.

Facebook Comments

From Advertisers