Manila, Philippines – Sinertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na mag-aamyenda sa tax system ng bansa o ang tax reform bill.
Sa liham ni Pangulong Duterte sa kamara at senado, sinabi nito na napapanahon nang amyendahan ang national revenue code of 1997 para mapababa ang kinakaltas na buwis sa mga manggagawa sa bansa.
Base naman sa tax reform bill, tataas ang excise tax sa mga produktong petroltyo, mga sasakyan at iba pang produkto.
Ito aniya ay para magkaroon ng sapat na pondo ang pamahalaan para maipatupad ang malalaki at maraming infrastructure projects ng administrasyon.
Tututok din aniya sa mga programang pangkalusugan, edukasyon at social services ang pondo na makukuha mula sa masisingil na karagdagang buwis sa ilang produkto.
DZXL558