Tax reform package bill, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara

Manila, Philippines – Inaprubahan na sa ikatlong pagbasa ng kamara ang house bill 5636 o tax reform for acceleration and inclusion na isinusulong ng Duterte Administration.

Dahil sertipikado na ito ng Pangulong Duterte, idiniretso na ito sa 3rd and final reading kung saan 246 ang bumoto ng yes, 9 ang bumoto ng no at 1 abstain.

Sa ilalim ng panukala, nakapaloob na libre na sa income tax ang sweldong aabot ng 250,000 kada taon at mas simpleng bracket ng pagpapataw ng personal income tax.


Itinaas naman sa isang daang libong piso ang halaga ng bonus na libre sa buwis mula sa kasalukuyang 82,000 pesos kada taon.

Nakapaloob din dito ang anim na pisong dagdag excise tax sa bawat litro produktong petrolyo na hahatiin sa tatlong bagsak ang implementasyon.

Mas mataas na buwis naman ang ipapataw sa mga bibilhing bagong sasakyan.

Aminado ang gobyerno na magdudulot ito ng pagtaas ng presyo sa mga bilihin at singil sa serbisyo kasama ang pamasahe pero iginiit na maliit lamang ito.

Hindi naman na kasama ang mga kooperatiba sa mga tatanggalan ng vat exemption pero tinatanggalan naman ng ganitong pribilehiyo ang mga bibilhing bahay na may halagang 1.5 million.

Papatawan na rin ng 20% ang buwis sa panalo sa lotto at may sampung pisong buwis na rin sa mga bibilhing sugar sweetened beverages.

Kaakibat naman ng tax measure ang ilang reporma gaya ng fuel marking para masawata ang oil smuggling.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments