Tax reform, pinamamadali ni Pangulong Duterte sa Kongreso

Manila, Philippines – Sinertipikahan na bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magaamiyenda sa tax system bg bansa o ang tax reform bill.

Sa liham ni Pangulong Duterte sa kamara at sa senado ay sinabi ng pangulo na napapanahon nang amiyendahan ang national revenue code of 1997 upang mapababa ang kinakaltas na buwis sa mga manggagawa sa bansa.

Base naman sa tax reform bill ay tataas naman ang excise tax sa mga produktong peteolyo at sa mga sasakyat at maraming iba pang produkto.


Ito aniya y upang magkaroon ng sapat na pondo ang pamahalaan para maipatupad ang malalaki at maraming infrastructure projects ng administrasyon.

Tututok din aniya sa mga programang pangkalusugan, edukasyon at social services ang pondo na makukuha mula sa masisingil na karagdagang buwis sa ilang produkto.

Samantala itinalaga ni Pangulong Duterte si Atty. Bayani Jacinto, acting director ng prosecution and monitoring unit ng Ombudsman bilang bagong Associate Justice ng Sandiganbayan.

Pinalitan ni Jacinto si Associte Justice Ronald Jurado na nagritero noong February 1, 2017.

DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments