Manila, Philippines – Dalawang panukalang batas ang nakikita ni Senate President Tito Sotto III na maaring ipalit sa ikalawang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2.
Tinukoy ni Sotto ang Rice Tariffication Bill at panukalang magkakaloob ng tax incentives na mas mainam kumpara sa TRAIN 2.
Pahayag ito ni Sotto bunsod ng kawalan ng senador na nais mag-isponsor o magsulong sa TRAIN 2 na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte na iprayoridad.
Paliwanag ni Sotto, napaso kasi sila sa TRAIN 1 dahil sa naging epekto nito sa pagtaas ng inflation rate o presyo ng bilihin.
Ayon kay Sotto, ang tinitingnan ngayon ng mga senador ay kung paano makaaktulong sa pagkontrol ng tumataas na presyo ng mga bilihin.
Facebook Comments