TAX SUBSIDY | Pamamahagi ng P4.3 bilyong pondo sa may 1.8 milyong household-beneficiaries ng 4Ps, nagsimula na

Manila, Philippines – Naglabas na ng 4.3 Billion pisong pondo ang Department of Social Welfare and Development para ipagkaloob sa 1.8 Milyong Household-Beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Itoy sa ilalim ng Unconditional Cash Transfer Program na isang tax subsidy na ipinagkaloob sa pamamagitan ng Train Law na layong matulungan ang mga mahihirap na pamilya dahil sa epekto sa ekonomiya ng bagong polisiya.

Maaari nang i-withdraw ng mga pantawid beneficiaries ang kanilang cash grants para sa taong 2018 na nagkakahalaga ng P2,400 sa Land Bank Automated Teller Machines sa buong bansa.


Unang mabibigyan ng UCT Grants ay ang 419,663 Accounts ng mga Beneficiaries mula sa National Capital Region , Regions I, II, at Cordillera Administrative Regions dahil sila ay dati nang mayroon cash cards mula sa Land Bank.
Ayon kay DSWD Officer-in-Charge Emmanuel Leyco ang 1.8 Million Pantawid Beneficiaries ay kauna unahang tatanggap ng UCT Cash Grants sa kabuuang 10 milyong target recipients.

Bukod sa UCT Cash Grant , matatanggap pa rin ng mga Beneficiaries ang kanilang Regular Cash Grant at P600 Rice Subsidy mula sa Pantawid Pamilya Program.

Kaugnay nito, sinisikap na rin ng DSWD na matapos ang proseso para makakatanggap na rin ng UCT Subsidies ang nalalabi pang 8.2 milyong beneficiaries.

Facebook Comments