Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga canteen, bookstores, dormitories at iba pang nonstock at nonprofit school business.
Ito ay matapos makatanggap ng ulat ang BIR na may ilang tax-free schools na pinapayagan ang outsider na patakbuhin ang mga cafeteria, aklatan at dormitoryo sa kanilang lugar.
Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay – layunin nito na malaman ang taxability ng mga nasabing negosyo.
Paliwanag pa ni Dulay – ang mga educational institutions ay hindi saklaw ng pagbubuwis sa ilalim ng konstitusyon kung ang kita nito ay nagagamit direkta o eksklusibo para sa educational purposes.
Pero kung hindi, ang kanilang kita ay kailangang patawan ng income at Value-Added Taxes.
Paalala ng BIR, para makasali sa tax exemption privileges, ang mga business activities ay dapat pagmamay-ari, pinatatakbo at matatagpuan sa paligit ng nonstock at nonprofit educational institution.