Taxi company na nag-o-overcharge sa mga pasahero, tuluyan nang na-ban sa NAIA

Tuluyan nang pinagbawalan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na makapag-operate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ang taxi company na naniningil ng sobra-sobra sa mga pasahero.

Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, hinahanap na rin ng mga awtoridad ang taxi driver na sangkot sa overpricing.

Partikular ang viral video ng isang dayuhan na biktima ng pananamantala ng airport taxi.


Samantala,nag-inspeksyon sa NAIA 3 si Philippine National Police Chief Gen. Benjamin Acorda Jr.

Layon nito na malaman ang sitwasyon sa paliparan at para makapaglatag ng seguridad.

Sa harap ito ng patuloy na pagbuhos ng malaking volume ng mga pasahero sa NAIA terminals.

Facebook Comments