Taxi driver na hinoldap ni Carl Arnaiz, nag-iba na naman ng testimonya

Manila, Philippines – Umamin ang taxi driver na si Tomas Bagcal na kasama ni Carl Angelo Arnaiz si Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman nang holdapin siya sa Caloocan City.

Taliwas ito sa nauna niyang pahayag na mag-isa lamang si Carl noong gumawa ng krimen.

Kwento ni Bagcal, sa likod ng driver seat umupo si Carl habang tulog buong biyahe si Kulot.


Pagdating sa 5th Avenue ay dito na siya tinutukan ng patalim ni Carl.

Nakipagbuno si Bagcal kay Arnaiz saka binuksan ang ilaw sa harapan at dito na nagising si kulot saka umiyak.

Nagtangka pang tumakas ang dalawa pero kinuyog ito ng mga tumulong ng ilan sa mga nakapila sa tricycle.

Sinundan ni Bagcal ang tricycle na pinagsakyan ng dalawang binatilyo papuntang presinto at doon ikinulong ang dalawa.

Nanindigan si Bagcal na hindi siya gumawa ng kwestyonableng affidavit.

Facebook Comments