Taxi driver na hinoldap umano ni Carl Arnaiz, nasa kustodiya ng isang church rights group

Manila, Philippines – Inako ng isang Ecumenical Church Rights Group sa Maynila ang kustodiya ng taxi driver na sinasabing tinangkang holdapin ng napatay na si Carl Angelo Arnaiz.

Sa inilabas na pahayag ng grupong ‘Rise Up for Life and For Rights’ sa kanilang facebook page, sinabi ng grupo na lumapit si Tomas M. Bagcal kasama ang kanyang pamilya noong September 4 para humingi ng tulong.

Ayon sa Rise Up, positibo nilang tinanggap ang hiling ng pamilya na mapasailalim sa kanilang kustodiya at masaya sila sa tiwala na ibinibigay ng mga ito.


Matatandaang biglang naglaho si Bagcal ilang sandali nang matagpuan ng mga magulang ni Arnaiz ang bangkay nito sampung araw matapos itong maiulat na nawawala.

Si Arnaiz ay napatay ng mga pulis nang manlaban umano matapos tangkaing holdapin si Bangkal.

Facebook Comments