Taxi driver na si Tomas Bagcal, itinuturing nang suspek sa pagkamatay ni Carl Arnaiz at Reynaldo de Guzman

Manila, Philippines -Isinama na ng Department of Justice (DOJ) sa listahan ng mga pangunahing suspek sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman ang taxi driver na si Tomas Bagcal.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre – kinasuhan si Bagcal dahil sa paiba-iba nitong pahayag.

Sinabi ni Bagcal na kutsilyo ang ginamit ng dalawang menor de edad, taliwas sa nauna nitong sinabi na may dala umanong baril si Arnaiz.


Nagsimulang magbago ang mga salaysay ni Bagcal nang may isang testigong lumutang at sinabing nakita nito sina Arnaiz, Kulot, at Bagcal na kasama pa ang mga pulis mula sa Caloocan.

Facebook Comments