Manila, Philippines – Itinuturing ng Malakanyang na isang mahalagang testigo ang taxi driver na si Tomas Bagcal na sinasabing hinoldap ni Carl Angelo Arnaiz.
Sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naniniwala silang malaki ang maitutulong ni Bagcal para sa mabilis na paglutas sa kaso ng pagpatay kay Arnaiz.
Umaasa rin aniya siya na ibibigay ni Bagcal ang buong kooperasyon nito sa mga otoridad.
Sana rin ayon kay Abella, ay mapalutang nito ang katotohanan sa kaso ni Arnaiz.
Matatandaan na sa paglutang ni Bagcal noong linggo, iginiit nito na buhay pa si Arnaiz nang dalhin niya ito sa presinto.
Bukod dito ay itinanggi ni Bagcal na nagsumite siya ng affidavit sa mga pulis.
Facebook Comments