Taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl Arnaiz, lumutang sa NBI

Manila, Philippines – Lumutang sa National Bureau of Investigation (NBI) ang taxi driver na sinasabi ng Caloocan police na hinoldap ni Carl Arnaiz.

Ayon kay NBI-NCR Chief Cesar Bacani, kusang nagtungo sa tanggapan nila si Tomas Bagcal.

Nakatakda namang kuhanan ng salaysay ng NBI si Bagcal bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon.


Una nang idiniin ni Bagcal si Carl na aniya ay nangholdap sa kanya at kinuyog daw ito ng taongbayan.

Facebook Comments