Taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl Arnaiz, malabo nang makapasok sa WPP – PAO Chief

Manila, Philippines – Iginiit ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda – Acosta na malabo nang maisailalim sa Witness Protection Program si Tomas Bagcal, ang taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl Arnaiz.

Ayon kay Acosta , ito ay dahil sa limang magkakaibang version ng mga testimonya ni Bagcal.

Tinukoy ni Acosta ang magkakaibang pahayag ni Bagcal sa dalawang affidavits at maging sa media interviewa nito.


Partikular aniya ang magkaibang sinabi ni Bagcal na baril ang ginamit sa panghoholdap sa kanya at kalaunan ay sinabi nito na kutsilyo.

Higit din aniyang kaduda-duda ang magkakaibang oras na sinasabi ni Bagcal nang siya ay holdapin daw nina Arnaiz at ng kasama nitong si Reynaldo de Guzman.

Facebook Comments