TAXPAYERS SA ASINGAN, HUMABOL SA BENTE PORSYENTONG REAL PROPERTY TAX DISCOUNT

Dagsa ang mga nagbabayad ng buwis sa Municipal Treasury Office ng Asingan kahapon, Disyembre 22, kasabay ng pagpapatupad ng 20 porsyentong diskwento sa Real Property Tax na inaalok ng lokal na pamahalaan.

Maaga pa lamang ay mahaba na ang pila ng mga residenteng nagtungo sa tanggapan upang samantalahin ang diskwento, makaiwas sa multa, at makapagbayad bago ang itinakdang deadline sa Disyembre 30, 2025.

Ayon sa ilang nagbabayad, malaking tulong ang ibinibigay ng diskuwento lalo na sa mga pamilyang may limitadong badyet.

Patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na magbayad ng buwis sa tamang oras upang makinabang sa insentibo at maiwasan ang kaukulang penalties.

Dagdag pa ng pamahalaan, ang makokolektang buwis ay ilalaan sa mga programa at proyektong magpapabuti sa serbisyo at kaunlaran ng bayan.

Facebook Comments