TAYA NA! | 1 sa kada 40 milyong tumataya sa lotto, posibleng manalo ng jackpot – ayon sa PCSO

Manila, Philippines – Isa lang sa kada Apatnapung milyong Pilipino na tumataya sa lotto ang posibleng manalo.

Sa isang panayam, sinabi ni PCSO Deputy Spokesperson Bong Solmerin na “game of chance” kasi ang pagtaya sa lotto.

Sa ngayon, sumampa na sa 1-bilyong piso ang estimated na jackpot prize sa 6/58 ultra lotto.


Pero posible pa itong tumaas depende sa dami ng makokolektang taya bago ang bola mamayang gabi.

Ayon kay Solmerin – February 15, 2018 pa nang huling tinamaan ng dalawang mananaya ang jackpot sa 6/58 ultra lotto na umabot sa mahigit 300-milyong piso.

Samantala sa interview ng RMN Manila kay Solmerin – nilinaw niya na hindi pinagbabawalan ng PCSO na tumaya sa lotto ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Facebook Comments