TAYA NA! | Jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58, pumalo na sa ₱765-M

Manila, Philippines – Pumalo na sa ₱765 million pesos ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan – ang jackpot prize ay pwedeng mapanalunan sa gaganaping draw ngayong Biyernes, September 28.

Nalampasan na nito ang ₱741.1 million pesos grand lotto 6/55 jackpot prize noong November 2010 na napanalunan ng isang balikbayan sa Olongapo City, Zambales.


Hinimok ni Balutan ang publiko na tumaya at bumili ng tickets lalo na sa iba pang lottery games gaya ng Super Lotto 6/49 na mayroon nang ₱60 million jackpot prize at lotto 6/42 na may ₱35 million jackpot prize.

Paalala ng PCSO na panatilihing nasa maayos na kondisyon ang mga ticket dahil kahit hindi makuha ng buong anim na winning digits, ay maari pa ring manalo ng consolation prize kapag nakasungkit ng tatlo hanggang sa limang winning combination.

Iginiit din ng PCSO na wala silang ibinibigay ng ‘lucky’ numbers dahil ang mga lottery games ay automated o ang makina ang pumipili ng mga numero.

Facebook Comments