Taytay, Rizal Government, nakapagtala ng mahigit 200 kumpirmadong kaso ng COVID-19

Inihayag ng Taytay, Rizal Government na umakyat na sa 214 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Ayon sa Taytay Municipal Epidemiology and Surveillance Unit, umakyat na sa 88 ang mga gumaling habang mayroon namang 108 active cases, 81 ang sumailalim sa mahigpit na quarantine at ang iba naman ay admitted sa mga ospital at naka-quarantine.

Habang 242 ang ikinokonsidera bilang suspect cases at walang naitalang probable case habang nanatiling 28 pa rin ang nasawi sa Taytay, Rizal.


Mahigpit pa ring ipinatutupad ng Taytay, Rizal Government ang social distancing at pagbawal pa rin sa mga residenteng lumabas ng bahay nang walang suot na face mask upang matiyak na hindi na mahahawaan ng nakamamatay na virus.

Facebook Comments