Inihayag ng Taytay, Rizal Public Information Office na tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng ayuda sa mga pamilya at pasyenteng nasa ilalim ng hard lockdown habang sila ay naka-home quarantine dulot ng COVID-19.
Ayon sa PIO ng Taytay, Rizal, ang mga pamilya at pasyenteng nasa ilalim ng lockdown ay hindi pahihintulutang lumabas sa kanilang mga bahay sa loob ng 14 araw o higit pa depende sa rekomendasyon ng Taytay Municipal Health Office.
Nagpapasalamat naman ang ang pamahalaang bayan sa Taytay Municipal Tricycle Franchising Regulatory Office na nagpaabot ng kanilang ayuda sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.
Una nang sinabi ng lokal na pamahalaan ng Taytay na sinumang pasyenteng nakarekober sa COVID-19 ay makatatanggap ng ₱10,000 na financial assistance at ₱5,000 na halaga ng groceries.