TAYUG, GANAP NANG FIRST-CLASS MUNICIPALITY

Opisyal nang idineklara bilang first-class municipality ang bayan ng Tayug sa Pangasinan, ayon sa anunsyo ng lokal na pamahalaan.

Sa pahayag ni Mayor Atty. Tyrone D. Agabas, inialay niya ang pagkilalang ito sa masigasig na pakikilahok ng mga mamamayan at sa dedikasyon ng mga opisyal ng bayan. Ayon sa kanya, ang pagiging first-class municipality ay simbolo ng patuloy na pagsusumikap ng Tayug upang makasabay sa modernisasyon at makapagbigay ng mas magandang kalidad ng buhay para sa mga residente.

Dagdag pa rito, tiniyak ng lokal na pamahalaan ang pagpapatuloy ng mga programang naglalayong iangat ang ekonomiya, edukasyon, imprastruktura, at serbisyong panlipunan ng bayan. Layunin din nilang akitin ang mas maraming mamumuhunan upang lalo pang lumago ang kanilang ekonomiya.

Ang pagiging first-class municipality ng Tayug ay base sa kita ng bayan, na ayon sa pamantayan ng Department of Finance ay umaabot na sa higit ₱55 milyon kada taon. Ang tagumpay na ito ay inaasahang magdadala ng mas maraming oportunidad sa bayan, kabilang ang mas mataas na pondo para sa mga proyekto at programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments