TAYUG SLAUGHTERHOUSE, MAY LICENSE TO OPERATE NA

Opisyal nang binigyan ng License to Operate bilang Double “A” Facility ang slaughterhouse ng Tayug, Pangasinan.

Ipinagkaloob ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang lisensya bilang patunay na pasado sa pamantayan ng kalinisan at operasyon ang pasilidad.

Dahil dito, maaari nang ibenta sa buong bansa ang mga karne ng baboy, baka, at kalabaw na kinakatay rito.

Tinanggap ng Municipal Agriculture Officer na si Elvie Moreno ang sertipiko mula sa NMIS.

Itinuturing ito bilang malaking hakbang sa pagpapaunlad ng agrikultura at ekonomiya ng bayan.

Facebook Comments