TB test, hihilingin ng Kamara sa PhilHealth na isama sa libreng Konsulta package

Kakausapin nina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Romualdez si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President Emmanuel Ledesma.

Ito ay para hilingin na maisama sa libreng diagnostic package nito ang prerequisite tests para sa mga pinaghihinalaang nahawa ng tuberculosis.

Tinukoy ni Speaker Romualdez ang pahayag ni dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo 1st District Representative Janette Garin na may mga indibidwal na mayroong TB ang hindi nabigyan ng libreng gamot dahil wala silang preliminary kidney at liver readiness tests.


Ayon kay Deputy Majority Leader Garin, hindi sila nabibigyan ng gamot kasi hindi nila mapa-test kung puwedeng tumanggap ng gamot ang kanilang kidneys at liver kaya may pagkakataon na nahahawahan nila ang kanilang kapamilya o kapitbahay.

Bunsod nito ay iginiit ni Congresswoman Yedda, na isang registered nurse, marapat lamang isama ng PhilHealth sa Konsulta package nito ang creatinine at SGPT/SGOT tests.

Facebook Comments