Patuloy na kumikilos pa-Timog Timog-kanluran sa Philippine Sea ang Bagyong “Julian.”
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 400 kilometers East Southeast ng Basco, Batanes o 435 kilometers East ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong hanggang 70 kilometers per hour malapit sa gitna.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20km/h.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa sumusunod na lugar:
- Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
- Northeastern portion ng Isabela (San Pablo, Divilacan, Maconacon, Palanan, Cabagan, Santa Maria, Tumauini, Ilagan City, San Mariano)
- Eastern portion ng Apayao (Luna, Pudtol, Santa Marcela, Flora)
Batay sa forecast ng PAGASA, paikot na kikilos sa katubigan ang Bagyong Julian sa silangan ng Batanes at Cagayan sa susunod na limang araw.
Posible itong mag-landfall sa Batanes sa Lunes ng hapon o gabi bilang typhoon.
Mataas ang tiyansa na kumilos ito pa-Kanluran palapit sa extreme Northern Luzon.